Plans For Summer

March 8, 2007 · Filed Under Whatever 

Marso na at ramdam natin ang init ng panahon na hudyat na ng summer season. Naka-shades na nga ko lagi ngaun kapag lalabas ng bahay, pwera lang sa gabi kasi batang hamog (drug addict) na labas ko nun.

I had a talk earlier with my makulit na nanay….at alam nyo kung ano ang gusto nya? Aba, magbakasyon daw kami sa Baguio kasi matagal na din daw kami hindi nakapunta dun. Ang masama lang…ako daw ang taya! Ang ginawa ko ngaun, tinapik ko agad sya sabay sabi ng, “Pung Mama”! E di sya na ngaun ang taya….hehe, gifted child ata to.

Seriously, marami talaga ko balak for this summer. First of all, matatapos na ang hirap kay misis, graduation na, yuhoooo! Balak ko sana punta kami ng Boracay kaso sa lahat ng nililibre, misis ko ang umaayaw! Wala daw syang balak mag-celebrate hanggat di pa raw sya nakakapasa sa board. E di sawi ang pagnanais kong masilayang muli ang mga legs ng mga naka-two piece sa Boracay, saklap talaga ng kapalaran.

Next na balak ko naman is makaakyat uli. Medyo matagal-tagal na din naman akong di nakakatulog sa bundok. Kahit man lang sana Mt. Makulot para malapit-lapit lang. Syempre paalam na naman ako kay misis…pag-iisipan naman daw muna nya.

Habang kanina rin, dumating si misis na may dalang balita. Mura lang daw ang promo ng Cebu Pacific for Hong Kong package ata yun for this coming June to December (summer pa ba nun?), at kinulit ako ng kinulit na punta daw kami dun after ng board exam nya. Ako naman ang sumagot, pag-iisipan ko din muna, ano sya swerte…hehe! Wala atang pinipili ang batas, dapat pantay-pantay!

Sa mga oras naman na ito, nagmumuni-muni ako. San kaya magandang pumunta? Kakasawa din kung ang pupuntahan eh napuntahan mo na before. Maganda siguro kung bago.. Teka, I almost have been to all cities and provinces in Luzon and Visayas during some of our advertising campaigns nung kasalukuyang corporate slave pa ko ng mga advertising agencies…and ang hindi ko na lang napupuntahan is Mindanao. Dun kaya ako pumunta? Tiyak hindi sasama si misis dahil takot yun sa mga napapanood nyang karahasan sa telebisyon tungkol sa Mindanao… Ah bahala na nga! Hanapin ko na lang muna siguro mamya yung pump at nang mailobo yung bagong inflattable 3-ring pool na binili ni utol para sa baby ko at maipwesto sa labas ng bahay ng makapag-swimming na!

P.S. Sama nyo naman ako kung meron kayo outing, promise magbabaon ako ng ulam for myself para hindi ako pabigat!

Comments

6 Responses to “Plans For Summer”

  1. rHo on March 8th, 2007 12:12 pm

    tama nga naman si misis kuya… hongkong kayo!! tutal naman, gusto mo e yung iba naman! o ayan.. kakaiba yan… hehehe! isama mo pa si dyabi boy mo!!

    ang init na nga!! nagrereklamo na rin ang asawa ko… susme!! kahit dito kuya, sobraaang init! sarap magtatakbo! yeeeey!

    tulog na!! umaga na dyan… hahaha!

  2. karmi on March 8th, 2007 4:02 pm

    pasalubong kuya! :D

  3. melai on March 9th, 2007 12:19 am

    gusto ko bora pre

  4. Jlois on March 9th, 2007 3:46 am

    Singapore na lang kayo pre! tapos EB tayo nila melai. he he he :)

  5. joiz on March 13th, 2007 2:22 pm

    Dami tao ngayon sa Boracay, mas lalo na sa puerto. Haaay traffic sa beach hehe.

    Hindi naman buong mindanao ang in chaos ah.. Maganda sa CDO at sa Camiguin! :mrgreen:

  6. brVincce on March 19th, 2007 5:27 am

    kuy, tara na sa mindanao! :D pupunta kami ng maguindanao :)
    then rapid tubing sa Maitum Saranggani province!

Leave a Reply